Growee Basketball Camp sa Biyernes na

MANILA, Philippines - Pamumunuan ng Trizach Events at Share D Ball sa pakikipagtulungan sa Sta. Lucia Mall, ang isang basketball clinic na tinawag na ‘Growee Basketball Camp’ sa Biyernes sa Entertainment area ng Sta. Lucia Mall mula alauna ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang mga partisipante ay maaaring sumali sa mga side events kagaya ng 3x3 at three-point shootout.

Si dating PBA player Randy Alcantara, ang coach ng Mapua Red Robins sa NCAA, ang gagabay sa mga batang may edad 12-anyos pababa bilang Share D Ball director.

 Para makapagpatala ay kailangan lamang magdala ng 250ml kahon ng Growee.

Magkakaroon din ng meet and greet portion sa mga bibisitang PBA, UAAP at star players ng Mapua Cardinals.

Ang mga batang kalahok ay bibigyan ng t-shirt at freebies sa event na suportado ng Sta Lucia Mall, Sta. Lucia Healthcare Centre, Accel, Wendy’s-Sta Lucia branch, Tobys, Wilson, Lifeline Spenco, San Miguel Corp, Rockman Studio; Timeless Moments Studio at Stage21.

Para sa mga mga interesado ay maaaring tumawag sa 09494591223, 09178201549 at 09055230608.

Show comments