CLEVELAND – Mismong si LeBron James na ang maghahayag kung hindi na niya kayang maglaro sa NBA.
Matapos ang una niyang ensayo makaraang turukan ng anti-inflammatory sa kanyang likod na nagpa-lakas ng pag-asang maglalaro siya sa season opener ng Cleveland Cavaliers laban sa Chicago Bulls ay sinabi ni James na hindi siya liliban ng praktis para lamang ipahinga ang kanyang katawan.
At kung hindi na kaya ng kanyang katawan ay hindi niya dadayain ang basketball na naglagay sa kanya kung saan siya naroroon ngayon.
“I haven’t gotten to this point by cheating the game,’’ sabi ng four-time MVP. ‘’If I’m capable of practicing, I will practice. If I’m capable of playing, I’ll play. When I’m not, I’ll quit. The game has gave too much for me to ever cheat the game. That’s not how I was born. That’s not how I was taught.
“And when I’m not able to do it to my level, then I’ll quit. It’s that simple,’’ dagdag pa ng NBA superstar.
Sumali lamang si James sa shooting drills at conditioning matapos magpaturok sa likod noong Oktubre 13 isang araw makaraan ang una niyang exhibition game.
Ayon kay James, kung wala na siyang mararamdamang sakit sa kanyang likod ay maglalaro siya laban sa Bulls.
“The real test will be how I feel tomorrow when I get up,’’ wika ni James. ‘’It was good to be back out there with the guys.’’
Tinurukan din ang 30-anyos na si James sa kaagahan ng nakaraang season nang makaramdam ng back pain at magkaroon ng strained left knee.
Sa kanyang pagbabalik ay tinulungan niya ang Cavs sa pagpasok sa NBA Finals kung saan nagposte ng pinakamagandang individual stats sa buong kasaysayan ng liga.
Sa paglalaro niya sa kanyang pang-13 season ay may mga senyales nang humihina na si James.
Hindi niya nakuha ang career-high na 13 games sa nakaraang season at naglaro ng halos 44,000 minuto.
Nagpahinga lamang si James sa pitong exhibition games ng Cavaliers sa preseason at napag-usapan ng koponan na limitahan ang kanyang minuto para mapreserba ang kanyang katawan pagdating ng playoffs.