Cignal wawalisin ang Elims

MANILA, Philippines – Ang pang-limang su­nod na panalo ang si­sikaping kunin ng Cig­nal HD Lady Spi­kers sa 2015 Philippine Super­Li­­ga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa Cu­neta Astrodome sa Pa­say City.

Kalaro ng koponan ang RC Cola-Air Force Raiders sa ala-1 ng ha­pon at mawawalis ng HD Lady Spikers ang first round elimination kung manalo sa labanan.

Galing ang tropa ni coach Sammy Acaylar mula sa 25-20, 25-19, 16-25, 25-23 tagumpay sa Foton Tornadoes at aminado ang beteranong coach na may pressure na silang nararamdaman dahil sa magandang pa­nimula.

Ang Philips Gold La­dy Slammers at Foton ang magtutuos sa alas-3 ng hapon at ikaapat nasunod na panalo para kapitan pa ang ikala­wang puwesto ang ha­nap ng Lady Slammers.

Naipakita ng kopo­nan ang kanilang deter­minasyon na manalo sa liga nang bumangon sila mula sa 0-2 iskor patu­ngo sa 23-25, 20-25, 25-21, 25-21, 15-8 pa­na­lo sa Raiders noong na­karaang Huwebes.

 

Show comments