ANAHEIM, Calif. -- Kumamada sina guards Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-24 points at nagdagdag ng 23 si Harrison Barnes para pagbidahan ang 136-97 paglampaso ng NBA champions na Golden State Warriors sa Los Angeles Lakers sa kanilang huling preseason game.
Tumipa si Curry, ang NBA MVP, ng 9-of-14 fieldgoal shooting at nagtala ng 4-for-8 clip sa 3-point range.
Nagdagdag pa siya ng 10 assists bago iniupo sa bench sa fourth quarter kasama sina Thompson at Barnes.
Sisimulan ng Warriors ang kanilang title defense laban sa New Orleans Pelicans sa Martes.
Humugot naman si guard Lou Williams ng 15 sa kanyang 19 points sa first half para sa Lakers matapos magpahinga ng dalawang laro bunga ng sore groin.
Hindi natapos ni shooting guard Jordan Clarkson ang laro nang lisanin ang basketball court sa 5:25 minuto sa first period bunga ng sprained right shoulder.
Kumpiyansa si Lakers coach Byron Scott na magiging handa si Kobe Bryant para sa kanilang season opener matapos maupo ng tatlong laro bu-nga ng bruised left leg.
“There’s no doubt in my mind,’’ sabi ni Scott.
Unang makakaharap ng Lakers sa kanilang season ang Minnesota Timberwolves sa Miyerkules sa Staples Center.