LARO SA MARTES
(Mall of Asia Arena, Pasay)
2 p.m.- San Beda
vs Arellano (Jrs)
4 p.m.- San Beda
vs Letran (Srs)
MANILA, Philippines – Sapat na ang presensiya ni Manny Pacquiao upang magtagumpay ang Letran Knights.
Dumating si Pacquiao, ang team manager ng Letran upang bigyan ng ins-pirasyon ang koponan na nagresulta sa 94-90 panalo kontra sa nagdedepensang San Beda sa Game One ng kanilang NCAA basketball tournament finals sa napunong MOA Arena saPasay City.
“Pangalan pa lang motivation na,” sabi ni Letran coach Aldin Ayo sa pagdating ni Pacquiao. “When he entered the dugout I saw the faces of the boys and they felt elated seeing him. His presence is very timely.”
Isinapuso ng Knights ang bilin ni Pacquiao.
“Determinasyon, focus, bagsik ng Pilipino at ipakita nila na kaya nila kahit wala silang import,” sabi ng Filipino world eight-division sa Letran.
Kumayod si Racal ng 10 points sa third quarter at 14 markers sa final canto para sa panalo ng Letran, huling nagkampeon noong 2005 sa ilalim ni mentor Louie Alas.
May pagkakataon ang Letran na wakasan ang kanilang 10 taon na pagkauhaw sa korona at ang limang taon na dominasyon ng San Beda kung muling mananalo sa Game Two sa Martes sa kanilang best-of-three title showdown.
Sa high school division, lumapit ang six-time champions na San Beda Red Cubs sa korona nang ta-lunin ang Arellano Braves, 78-68.
(Juniors)
San Beda 76- Nelle 16, Bordeus 12, Nayve 9, Lagumen 7, Velasquez 6, Mahinay 6, Alfaro 6, Tagala 5, Dela Rosa 5, Abuhijle 4.
AU 68- Dela Torre 22, Sunga 14, Abadeza 10, Tamayo 7, Espiritu 5, Bataller 5, Velasco 3, Danas 2.
Quarterscores: 18-13; 37-36; 59-52; 76-68
(Seniors)
Letran 94- Racal 28, Nambatac 18, Cruz 17, Luib 16, Sollano 9, Quinto 4, Ba-lagasay 2.
San Beda 90- Adeogun 23, Koga 10, Sara 10, Soberano 9, Amer 8, Tankoua 8, Dela Cruz 7, Tongco 5, Mocon 4, Sorela 4, Presbiterio 2.
Quarterscores: 22-21; 39-41; 61-62; 94-90.