Magtatagal ang FBA - Hizon
MANILA, Philippines - Naniniwala ang mga nasa likod ng Filsports Basketball Associaton (FBA) na magtatagal ang kanilang liga sa mahabang panahon kahit namumutakti ang mga liga sa basketball sa bansa.
Sa pagdalo nina da-ting PBA player at FBA commissioner Vince Hizon at FBA president Lenito Serrano Jr. sa PSA Forum kahapon, sinabi nila na kakaiba ang FBA sa ibang liga dahil sila lamang ang grassroots, regional ama-teur basketball league.
“There are a lot of basketball leagues now, more than when I was playing. What we have done is we try to diffe-rentiate our league from the other leagues being a grassroots, regional, ama-teur basketball league. We will stick to our format and try to develop a player from bottom up,” wika ni Hizon.
May basbas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ito na ang ikalawang confe-rence ng liga at anim na koponan ang kumpirmadong lalahok habang da-lawa pa ang naghahabol na sumali.
Mangunguna sa kumpirmadong kasali ay ang nagdedepensang kampeon na UP Maroons ng Quezon City. Ang iba pang lalaro ay Manila-National University, Marikina-Wangs, Pampanga-Foton, Malolos-Mighty Bulacan State University at isang koponan mula Pateros na pag-aari at mamanduhan ng dating PBA center na si Nic Belasco.
Ang mga laro ay mapapanood din sa telebisyon gamit ang Aksyon TV, Net 25 at Fox Sports.
Sa Biyernes sisimulan ang aksyon sa Marikina City at ang opening ceremony ay itinakda sa ganap na ika-3 ng hapon habang ang unang laro dakong alas-4 ay sa pagitan ng UP at NU. Ang ikalawa at huling laro ay sa pagitan ng Marikina-Wangs at Pateros.
Double-round ang elimination at ang mangungunang apat na teams ay sasalang sa cross-over knockout semifinals. Ang finals ay isang best-of-three series.
Pinahihintulutan ang mga teams na kumuha ng dalawang ex-pros pero hindi sila puwedeng pagsabayin sa court para tunay na mahasa ang mga batang manlalaro. (AT)
- Latest