Kamakailan ay inaprubahan ng PBA Board ang pagpapahiram ng 17-players sa Gilas Pilipinas para sa nakatakdang paglahok ng Pinas sa isa sa tatlong Olympic qualifying tournament sa Hunyo ng susunod na taon.
Todo-suporta na ang PBA sa Gilas sa pagkakataong ito para sa inaasam na slot sa Olympics na gaganapin sa Rio de Jainero sa susunod na taon din.
Nabigo tayong makuha ang Olympic slot sa ginanap na FIBA-Asia Championship sa Changsa, China kung saan nag-runner-up lamang ang Gilas sa likod ng kampeong China na siyang umangkin ng kaisa-isang Olympic slot na itinaya sa naturang torneo.
Hindi sa pagmamaliit pero ang naturang Gilas Team ay may kulang. Kung sumama sana ang mga inaasam na players ni coach Tab Baldwin baka tinalo natin ang China at ‘di na kailangan pang dumaan sa Olympic qualifier na sinasabing mabigat ang laban kaya nga nagsabi si Manny Pangilinan, ang bagong chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas matapos bitiwan ang pagkapresidente, na huwag na lamang magpadala ng team.
Ang kaso, mahaharap sa kaparusahan ang Pinas kung hindi sasali sa Olympic qualifiers kaya kaila-ngan nating lumahok.
Mas malaki ang tsansa sa Changsa na makuha ang Olympic slot dahil China lang naman talaga ang mabigat na kalaban dito na kaya sana nating talunin di tulad sa Olympic qualifiers na madami nang kasa-ling bigating bansa.
Huwag sanang masa-yang ang effort natin para sa Olympic qualifier baka mas lalong malaki ang panghinayangan natin.