Ateneo puro na sa beach volley title

MANILA, Philippines – Namuro ang Ateneo Blue Eagles para sa kauna-unahang beach volley title nang umabante sa finals bitbit ang thrice-to-beat advantage matapos ipanalo ang pitong laro sa elimination round.

Makakaharap nila sina Kris Roy Guzman at Anthony Arbasto ng UST Tigers sa finals na sisimulan bukas.

Step-ladder ang semifinals at unang tinalo ng number three seed Tigers ang FEU Tamaraws nina Greg Dolor at  Jude Garcia, 21-13, 17-21, 15-13.

Sunod nilang pinatalsik ang nagdedepensang kam-peon  at may twice-to-beat sa labanan na National University Bulldogs nina Madzlan Gampong at Bryan Bagunas sa 21-14,17-21,15-11 at 19-21,22-20, 15-11 panalo.

Ang FEU Lady Tamaraws nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ay nasa finals na sa women’s division matapos talunin ng top team sa elimination round  (6-1) sina Myleen Paat at Jessica Galanza ng Adamson Lady Falcons, 21-13, 21-19, sa Final Four.

Makakalaban ng Lady Tamaraws sa kampeonato ang magwawagi sa pagitan nina Alyssa Valdez at Bea Tan ng Ateneo Lady Eagles at Kim Fajardo at Cyd Demecillo ng La Salle Lady Archers. (AT)

 

Show comments