Japanese top seed duo tinalo nina Alcantara at Arcilla para sa titulo

MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Francis Casey Alcantara ang kanyang pagiging isang doubles specialist.

Ito ay nang makipag­tulungan si Alcantara kay Johnny Arcilla pa­­ra pabagsakin sina top-seeded Japanese duo Kat­suki Nagao at Hiro­masa Oku, 6-2, 6-2, at angkinin ang korona ng 34th Philippine Colum­bian Association Open-Cebuana Lhuillier ITF Men’s Futures 2 kaha­pon sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Ma­nila.

Naging inspirado sa paglalaro si Alcantara, isang dating doubles champion sa Australian Ju­niors Open, habang ipi­nakita naman ni Arcilla ang kanyang pagi­ging beterano.

Nakapasok sina Al­can­tara at Arcilla sa event bilang wildcard.

“I’m just happy to win in front of my countrymen,” sabi ng 23-anyos na si Alcantara na naglaro sa college tennis sa US NCAA Division 1 Pepperdine.

Isa naman ito sa mga malalaking panalong na­kamit ng 35-anyos na si Arcilla.

Dahil sa kanilang ta­gumpay ay nakuha sina Alcantara at Arcilla ang premyong $930.

Nauna nang tinalo ni­na Alcantara at Arcilla sina Jeson Patrombon at Cheng Yu Yu ng Chinese Taipei, 6-2, 6-2; ba­go isinunod sina Elbert Anasta at PJ Tierro, 6-4, 6-2; at sina Japanese Soichiro Moritani at Masato Shiga, 6-1, 6-3.

Sa single’s division, iti­nakda nina top seed Enrique Lopez-Perez ng Spain at No. 3 Kento Ta­keuchi ng Japan ang ka­nilang title duel nga­yong alas-10 ng umaga.

Show comments