MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagliit ng kanilang tsansa sa World Cup qualifiers ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Philippine Azkals.
“We’re not yet buried; we’re still alive and we keep on,” wika ni midfielder Stephan Schrock.
Nabigo ang Azkals na makadikit sa nangu-ngunang North Korea (13 points) at sa pumapa-ngalawang Uzbekistan (9 points) nang yumukod sa Bahrain, 0-2, sa Manama at manatili sa 7 points lamang sa standings.
Kailangang walisin ng mga Pinoy booters ang kanilang huling tatlong laro laban sa Yemen (Nov. 12 sa Rizal Memorial Stadium), Uzbekistan (Mar. 24 sa Tashkent) at North Korea (Mar. 29 sa Manila) para sa tsansang makuha ang second spot sa Group H.
“There’s still a lot to play for. We have three big games (sa WCQ) coming up, and the next one’s coming up in Manila, which we always look forward to, and there’s still the Asian Cup qualification (pagkatapos ng WCQ),” sabi ni veteran Rob Gier.
Ang mga group winners at ang huling apat na best runners-up ang aabante sa third round ng World Cup qualifiers at sa final round ng 2019 AFC Asian Cup.
Ang mga masisibak naman sa WCQ ang maghihintay sa susunod na Asian Cup qualifiers.
Sa loob ng 11 araw, lumaro ang Azkals sa Pyongyang at Manama.