Collison, Cousins nagbida sa panalo ng Kings sa Blazers

SACRAMENTO, California — Kumamada si Darren Collison ng 18 points, habang may 16 si DeMarcus Cousins para tulungan ang Sacramento Kings sa 94-90 preseason victory laban sa Portland Trail Bla­zers.

Nagsalpak ang Kings ng 12 sunod na puntos sa fourth quarter at hindi pinaiskor ang Trail Blazers sa loob ng limang minuto para ku­nin ang 91-84 abante.

Tumapos naman si Mar­co Bellinelli na may 11 points kasunod ang 10 ni Omri Casspi.

Tumipa si CJ McCol­lum ng limang three-pointers at humugot ng 19 sa kanyang 30 points sa third quarter sa panig ng Portland, dalawang beses natalo sa Sacra­mento sa nakaraang anim na araw.

Nagdagdag si Allen Crabbe ng 13 points at may 12 si Al-Farouq Ami­nu para sa Trail Bla­zers.

Naglaro ang Portland nang wala si all-star point guard Damian Lillard na may sprained left ankle injury.

Walang laro na iniu­po si Lillard sa regular season sa tatlong taon ni­ya sa liga.

Sa Milwaukee, umiskor si Marcus Morris ng 17 sa kanyang 21 points sa first half para pangunahan ang Detroit Pistons sa 117-88 panalo kon­tra sa Bucks.

Ginamit ng Pistons ang isang 18-4 atake pa­ra kunin ang kalama­ngan sa first quarter at hindi na nilingon pa ang Bucks.

Sa Winnepeg, Manitoba, nagsalansan si E’Twaun Moore ng 18 points para ihatid ang Chicago Bulls sa 114-105 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Nalimitahan naman ang Canadian na si 2015 NBA Rookie of the Year Andrew Wiggins sa 9 points sa loob ng 24 mi­­nuto para sa Timberwolves.

Show comments