Tamaraws, Tigers ayaw bumitaw sa liderato
MANILA, Philippines – Napalaban man sa pagkakataong ito ay sapat pa rin ang ipinakita ng FEU Tamaraws at UST Tigers para manalo sa mga hinarap na laro sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum
May 12 puntos si Mac Belo tampok ang turn-around jumper laban kay Kiefer Ravena ang nagbigay ng momentum sa koponan para tulungan ang Tamaraws sa 66-61 panalo sa Ateneo Eagle.
Ang buslo na ito ay ginawa matapos ang lay-up ni Ravena na nagpadikit sa Blue Eagles sa 57-56.
Tig-10 puntos ang ibinigay nina Russel Escoto at Roger Pogoy para sa ikaanim na sunod na panalo ng Tamaraws.
Kumpara sa 64-88 pagkadurog sa first round sa Tamaraws, nakasabay ang Blue Eagles dahil sa magandang ipinakita ni rookie Adrian Wong na umiskor ng career-high na 14 puntos sa first half para sa 32-30 abante ng Ateneo laban sa FEU.
May 15 puntos si Ravena para sa Blue Eagles na natalo sa ikalawang sunod na laro.
Ngunit asahan na magsisikap pa ang Blue Eagles na ikampay ang mga pakpak upang mabigyan ng disenteng pamamaalam ang kanilang coach Bo Perasol ngayong taon.
Nagising naman si Kevin Ferrer sa bangungot na panimula sa paghatid ng 11 puntos sa huling yugto upang makabangon ang UST Tigers mula sa 11 puntos pagkakalubog tungo sa 81-79 panalo sa La Salle Archers.
FEU 66 – Belo 12, Ru. Escoto 10, Pogoy 10, Tolomia 8, Iñigo 7, Tamsi 6, Dennison 4, Arong 3, Jose 2, Orizu 2, Trinidad 2, Ri. Escoto 0, K. Holmqvist 0.
Ateneo 61 – Ravena 15, Wong 14, Pessumal 8, Gotladera 7, Black 6, Ikeh 6, Babilonia 3, A. Tolentino 2, Apacible 0, Cani 0, Capacio 0, Ma. Nieto 0, V. Tolentino 0.
Quarterscores: 19-19; 30-32; 47-47; 66-61.
UST 81 – Abdul 18, Daquioag 17, Ferrer 15, Vigil 13, Lee 13, Sheriff 3, Bonleon 2, Abdurasad 0, Caunan 0, Faundo 0, Garrido 0, Lao 0, Subdio 0.
La Salle 79 – Teng 16, Rivero 13, Torralba 12, Torres 11, Tratter 7, Perkins 6, Sargent 6, Navarro 5, Langston 3.
Quarterscores: 21-22; 37-45; 59-66; 81-79.
- Latest