UP binalikan ang Navy

Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

12:45 p.m.- Coast Guard vs PLDT Home Ultera

3 p.m.- Kia Forte vs Navy

MANILA, Philippines – Nagbabalik si Kathe­rine Bersola matapos mag­karoon ng ACL (anterior cruciate ligament) injury sa isang UAAP game noong Enero.

Sa kanyang unang la­ro ay kumamada si Ber­sola ng 8 hits at 4 blocks para tampukan ang come-from-behind 19-25, 25-23, 25-23, 25-23 win ng University of the Philippines laban sa Philippine Navy sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 12-Rein­forced Conference ka­­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Bersola ay si­nupor­tahan nina Maria Li­na Isabel Molde, Nicole Anne Tiamzon at Ma­rian Alisa Buitre na humataw ng 17, 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Matapos kunin ang first set ay itinala ng La­dy Sailors ang 18-12 bentahe sa second frame.

Subalit nakabawi ang Lady Maroons para itabla ang laro sa 1-1 patungo sa pananaig sa sumunod pang dalawang set.

Samantala, tinalo ng Air Force ang Instituto Estetico Manila, 25-19, 25-27, 25-21, 25-20, sa Spikers’ Turf.

Sisimulan naman ng PLDT Home Ultera ang kanilang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagsagupa sa Coast Guard ngayong alas-12:45 ng tanghali.

Itatampok ng Ultrafast Lady Spikers sina Collegiate Conference at UAAP MVP Alyssa Valdez, 2014 Reinforced Conference MVP Ai­za Maizo-Pontillas, NC­AA MVP Gretchel Sol­tones, Rubie de Le­on, Jem Ferrer, Suzanne Roces, Gata Pantone, Charo Soriano at Jannine Marciano at gaga­ba­yan ni coach Roger Gorayeb laban sa Lady Coast Guards.

Sa alas-3 ng hapon ay maghaharap naman ang Army at ang baguhang Kia Forte.

Sina Aby Maraño, Din­din Santiago-Mana­bat, Rachel Anne Da­quis, Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Mary Jean Balse at Honey Royse Tubino ang mangungu­na para sa Lady Troo­pers.

Show comments