Shakey’s V-League at Spiker’s Turf Opening Magandang panimula hanap ng 6 teams

Laro NGAYON

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  – Navy

vs UP (V-League)

3 p.m. – Air Force

vs IEM (Spikers Turf)

5 p.m. – Navy vs Sta. Elena (Spikers Turf)

 

MANILA, Philippines - Magkaroon ng magandang panimula ang hanap ng anim na koponan sa pagtataas ng telon ng Shakey’s V-League at Spikers’ Turf Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang UP Lady Maroons at Navy Lady Sailors ang magbubukas sa aksyon ng V-League sa ganap na ika-12:45 ng hapon bago sundan ng dalawang laro sa Spikers’ Turf sa ligang parehong inoorganisa ng Sports Vision.

Pinalakas ang Lady Maroons sa huling conference na paglalabanan sa taon dahil kasama sa sasalang sa aksyon ay si Nicole Tiamzon at ang nagbabalik mula sa ACL injury na si Kathy Bersola.

Ang mga bata pero mahuhusay na sina Maris Layug, Justine Dorog, Isa Molde at Diana Carlos ay kasama rin para asahan na mas matibay ang tropa ni coach Jerry Yee.

Anim na koponan ang maglalaban-laban sa titulo at napapaboran ang Open Conference champion PLDT Home Ultera.

Tiyak na magbibigay ng magandang laban ang Army habang ang Coast Guard at baguhang Kia Forte ang kukumpleto sa mga kasali sa V-League.

Samantala, kukuha ng atensyon ang baguhang Sta. Elena sa pagharap sa Navy na siyang huling laro at magsisimula matapos ang salpukan ng Air Force at IEM sa buena-manong laro sa Spikers’ Turf sa ganap na ika-3 ng hapon.

Masasabing palaban agad ang Sta. Elena dahil kinuha nila ang mga mahuhusay na manlaaro tulad nina Sylvester Honrada ng San Beda, Joven Camaganakan ng Perpe-tual Help at mga La Salle players na sina Mark Lee, Michael Antonio at Al-Franzin Abdulwahab upang makasabay sa mga beteranong koponan ng liga.

Show comments