‘Di pa sigurado ang Pinas kung sasali sa Olympic qualifier
MANILA, Philippines – Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios kahapon na wala pang desisyon kung sasali ang Philippines sa tatlong Olympic qualifying tournaments ng FIBA sa July 5-10 2016 upang matukoy ang tatlong iba pang bansa na makakalaro sa 2016 Rio Summer Games.
“Right now, the topic is up in the air,” ani Barrios.
Magkakaroon ng meeting ang SBP para talakayin ang issue na ito.
Ayon kay Gilas team manager Butch Antonio, dahil hindi pa sigurado kung sasali ang Pinas, malabo nang mag-bid na mag-host ng isang Olympic qualifying tournament bagama’t nakasiguro ng slot ang Gilas matapos ang second place finish sa nakaraang 28th FIBA Asia Championships sa Changsha.
Siyam na bansa na ang siguradong kasali sa basketball competition ng Rio Olympics na kinabibilangan ng host Brazil, reigning World Cup champion US, Oceania champion Australia, AfroBasket champion Nigeria, EuroBasket finalists Spain at Lithuania, FIBA Americas finalists Venezuela and Argentina at FIBA Asia champion China. May tatlong slots na nakareserba sa tatlong three Olympic qualifying tournaments.
Sa tatlong Olympic qualifying tournaments, lima ang kukunin sa Europe, tatlo sa Americas at tatlo mula sa Asia, tatlo sa Africa at isa sa Oceania.
Ang minimum bid para mag-host ng Olympic qualifying tournament ay 1.75 million Euros o P91.4 milyon. At magsasara ang bidding process sa Nov. 23. (QH)
- Latest