Ladon, Marcial target ang slots sa Rio Olympics

MANILA, Philippines - Aalis sina lightflyweight Rogen Ladon at welterweight Eumir Felix Marcial patungong Doha, Qatar ngayong gabi para harapin ang pinakamahuhusay na boksingero mula sa buong mundo sa AIBA World Championships tangka ang slot sa 2016 Rio Olympics.

“That’s the ultimate goal – to make it to Rio,” sabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines executive director Ed Picson kahapon patungkol sa event na nakatakda sa Oct. 6-15 na magsisilbing qualifier para sa  Olympics sa Brazil.

Bilang standard procedure, sumailalim ang dalawang boxers sa medical checkup kahapon sa Makati kasama sina coaches Boy Velasco at Romeo Brin.

Pinasuri din ni Marcial ang kanyang kanang mata dahil sa pamamaga nito na kanyang nakuha sa ASBC Asian Championships sa Bangkok noong nakaraang buwan.

Sina Marcial, 19-anyos at Ladon, 21-gulang ay nagkasya sa silver medals sa Bangkok ngunit nakasiguro ng slots sa Doha.

“They’re both okay,” sabi ni Picson na mangu-nguna sa maliit na Philippine delegation sa AIBA World Championships.

Sa division ni Ladon ang top two boxers lang sa Doha ang makakapasok sa Rio habang sa weight class ni Marcial, ang top three ang papasok sa Olympics.

Ang dalawang bronze medalists sa 69 kg class ay muling maghaharap para matukoy kung sino ang makakasama sa Olympics.

Show comments