CHANGSHA – Aminado ang mga Hapones na malinaw na sila ang underdogs laban sa Gilas Pilipinas sa kanilang sagupaan sa pagsisimula ng second round ng eliminations sa 2015 FIBA Asia Championship.
“Andray Blatche was not in the Jones Cup. They (Gilas) have got them now. They have become a lot better. We’ll just try out best,” sabi ni Japanese ace playmaker Yuta Tabuse.
Dahil dito, pinaghandaan ni Tabuse ang inaasa-hang niyang mahigpit na laban kontra sa mga guwardiya sa panig ng mga Pinoy.
Sa Jones Cup, sinapawan nina Terrence Romeo at Jayson Castro ang dating NBA player matapos kumamada ang dating FEU star player ng game-high 16 points habang ang huli ay may game-best na five assists.
Hindi pa nabubura sa isipan ni Tabuse si Romeo na sumapaw sa kanya sa ilang one-on-one fastbreak plays.
“He’s such a good player. I’m looking forward to play him again,” sabi ni Tabuse.
Ang Gilas Pilipinas ay runner-up sa Iran sa Jones Cup taglay ang 6-2 win-loss mark kontra sa 2-6 ng Japan bilang eighth place sa 9-teams na naglaban. (NB)