PHU LY, Vietnam – Tinapos ng Petron Blaze Spikers ang kanilang kampanya sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa pamamagiatn ng 24-26, 25-27, 26-24, 20-25 kabiguan laban sa Lienvietpost Bank ng Vietnam kahapon sa Ha Nam Competition Hall dito.
Nakipagsabayan ang Blaze Spikers ngunit nanghina sa crucial stretch para magdiomina ang home team tungo sa kanilang panalo matapos ang isang oras at 50 minutong hatawan.
Ang panalo ng Vietnam ay nagkaloob sa kanila ng seventh place habang ang Petron ay nagkasya sa eighth place ang parehong pagtatapos ng Philippine team sa torneong ito noong nakaraang taon sa Nakhon Pathom, Thailand.
Kasalukuyan pang pinaglalabanan ng reigning champion Hisamitsu Seiyaku Springs ng Japan at Bangkok Glass of Thailand ang titulo.
Nanguna si Rachel Anne Daquis sa kanyang 13 kills para sa 16 habang sina Frances Molina, Aby Maraño at Dindin Manabat ay may 13, 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Petron na ginagamit ang torneong ito bilang paghahanda sa Philippine Superliga Grand Prix sa Oct. 10.