Blaze Spikers pinatumba ng malalaking Kazakhstan

PHU LY, Vietnam – Muli na namang nakalasap ng kabiguan ang Blaze Spikers.

Yumukod ang Petron kontra sa Zhettysu VC ng Kazakhstan, 17-25, 18-25, 20-25, sa classification round ng 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon dito sa Ha Nam Competition Hall.

Bunga ng kabiguan ay makikipag-agawan na lamang ang mga Pi­nay sa pang-pitong pu­westo laban sa mata­ta­lo sa pagitan ng 4.25 Sports Club ng North Korea at Lietvietpost Bank ng host country nga­yong hapon.

Humataw si Rachel Anne Daquis ng 8 kills para tumapos na may 9 points sa panig ng Blaze Spikers.

Hindi nakaporma ang Petron sa Zhettysu VC na may ave­rage height na 6-foot-2 at pinalakas ng 10 mi­yembro ng Kazakhstan national women’s team.

Nagtala sina Dindin Manabat at reinforcement Rupia Inck Furtado ng 8 at 7 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Petron, ginagamit ang liga bilang pagha­handa sa darating na Philippine Superliga Grand Prix sa Oktubre.

“They have the height and the reach, mahirap tapatan ‘yun,” wika ni coach George Pascua. “We tried our best to neutralize and take that height advantage away from them.”

Show comments