Gilas determinadong walisin ang Group B

MANILA, Philippines – May magandang dahi­lan si Gilas Pilipinas’ coach Tab Baldwin kung ba­kit hindi siya ‘pressured’ sa preliminary round ng darating na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsa, China.

Ito ay dahil wala sa Top 10 ng power ran­kings ng FIBA Asia ang mga ka­sama ng Nationals sa Group B na Palestine, Hong Kong at Kuwait.

“The reality is, without to sound in any way arrogant, we understand that the first pool that we have is not the top teams in Asia. The horror story would be if we get compla­cent, relax and treat those as scrimma­ges,” sabi ni Baldwin.

Kaya naman kailangan nilang walisin ang preli­minary round para maging top seed sa kanilang grupo at makakaharap ang No. 4 seed buhat sa kabila.

“The reality is we should control those games reasonably well. Those are games where we can continue to evolve our system, refine and per­fect what we’re trying to do,” wika ni Baldwin.

Inaasahang tatalunin ng Nationals sa pagbubukas ng 2015 FIBA Asia Championship sa Miyer­kules ang Palestine kasunod ang Hong Kong sa Hu­webes at ang Kuwait sa Biyernes.

Ang top three sa Group B ang makakasagupa ng top three sa Group A, bi­nubuo ng Iran, Japan, India at Malaysia, sa susunod na round.

Matapos ito, ang top four naman ang aabante sa knockout stage kontra sa top four sa hanay ng China, South Korea, Singapore, Jordan, Qatar, Chinese Taipei, Kazakhs­tan at Lebanon.

Ang koponang magka­kampeon sa Oktubre 3 ang makakakuha sa nag-iisang automatic Asian spot para sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Games.

Show comments