MIT Cardinals nagpalakas
MANILA, Philippines – Pinatunayan ng Mapua na kaya nilang manalo kahit wala si coach Atoy Co.
Bumangon ang Cardinals mula sa 13-point deficit sa first period para talunin ang Letran Knights, 82-77 at patibayin ang kanilang pag-asa sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan.
Humakot si Nigerian import Allwell Oraeme ng 30 rebounds, 18 points, 3 assists at 3 shotblocks para sa panglimang sunod na panalo ng Mapua sa second round.
Si assistant Ed Cordero ang namahala sa bench ng Cardinals matapos mapatawan si Co ng two-game suspension.
Matapos maiwanan ng 13 puntos sa opening period, humataw ang Mapua para iwanan naman ang Letran sa 53-38, may 5:41 minuto sa third quarter.
Ipinoste ng Cardinals ang 17-point lead, 55-38 bago nakalapit ang Knights sa 77-81 agwat sa huling 16 segundo ng final canto.
Ito ang unang panalo ng Mapua laban sa Letran mula noong 2010.
Sa unang laro, umiskor si Tey Teodoro ng 17 points, habang gumawa si John Grospe ng walo sa kanyang 10 markers sa final period para ihatid ang Jose Rizal Heavy Bombers sa 73-69 panalo kontra sa sibak nang St. Benilde Blazers.
Diniskaril ng Heavy Bombers ang pagbabalik sa laro ni Jonathan Grey, tumipa ng 34 points sa panig ng Blazers para pagtibayin ang kanilang tsansa sa Final Four.
“Medyo lumilinaw ang chance. Pero we need to win our next four games,” sabi ni Jose Rizal mentor Vergel Meneses.
Jose Rizal 73 – Teodoro 17, Pontejos 13, Poutouochi 13, Balagtas 10, Grospe 10, Sanchez 4, Abdul Wahab 3, Estrella 2, Dela Paz 1, Lasquety 0, Cruz 0, Dela Virgen 0.
St. Benilde 69 – Grey 34, Ongteco 10, J.J. Domingo 9, Deles 7, Jonson 3, Nayve 3, Fajarito 3, S. Domingo 0, Castor 0, Saavedra 0, Young 0, San Juan 0.
Quarterscores: 12-12; 35-32; 57-52; 73-69.
MAPUA 82 – Oraeme 18, Nieles 16, Serrano 14, Menina 12, Que 6, Nimes 5, Aguirre 4, Brana 4, Biteng 3, Raflores 0.
Letran 77 – Cruz 17, Racal 16, Nambatac 15, Sollano 12, Apreku 6, Balanza 5, Quinto 4, Luib 2, Bernabe 0, Gedaria 0.
Quarterscores: 16-25; 42-36; 62-49; 82-77.
- Latest