MANILA, Philippines - Kung mabibigyan ng magandang pangangatawan hanggang matapos ang 78th UAAP season ay tiyak na lulutang ang ga-ling ni Ed Daquioag para sa UST Tigers.
Matapos lamang ang tatlong laro ay ipinakikita na ng 24-anyos na tubong Dingras, Ilocos Norte ang kanyang husay sa pagpuntos para tulungan ang Tigers sa 3-0 panimula.
Naunang nakilala bilang isang defensive player, si Daquioag ay isa na nga-yong mabangis na scorer sa paghahatid ng 25 puntos.
Sinimulan niya ang kampanya sa pagtala ng career-high na 28 puntos sa 70-64 panalo laban sa Adamson Falcons bago sinundan ng 18 puntos, 12 sa huling yugto, sa 72-71 panalo sa FEU Tamaraws.
Pinatunayan ng 6-foot guard na maaasahan siya sa huling yugto nang kanain ang 17 sa kanyang 27 puntos sa last quarter para bitbitin ang Tigers sa 67-59 tagumpay laban sa dating kasalo sa liderato na UP Maroons.
“Mataas ang confidence ni Ed dahil nag-e-enjoy siya sa paglalaro,” wika ni UST coach Segundo dela Cruz kay Da-quioag na kinilala bilang kauna-unahang ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week.
“Kailangan sa team ang scorers at kinuha ko ang opportunity na ibinibigay sa akin ni coach,” wika naman ni Daquioag sa magandang panimula sa liga.
Ang kakampi niyang si Kevin Ferrer, mga Maroons players Paul Desiderio at Jett Manuel at Mike Tolomia at Mark Belo ng FEU Tamaraws ang iba pang ikinonsidera para sa citation na mula sa mga sports scribes sa mga pahayagan at online portals.