Venezuela ginitla ang Argentina sa finals ng 2015 FIBA Americas

MEXICO CITY - Umiskor si Heissler Guil­lent ng 15 points at ginulat ng dehadong Venezuela ang Argenti­na, 71-67, para angkinin ang FIBA Americas championship sa unang pag­kakataon.

Nauna nang tumipa si Guillent ng 19 points sa kanilang panalo sa Ca­nada sa semifinals.

Ang Venezuela at Spain ay awtomatikong na­kakuha ng tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janerio, Brazil.

Ito ang unang Olympic berth na nakuha ng Venezue­lans sapul no­ong 1992 sa Barcelona.

Tinalo naman ng Ca­nada ang Mexico, 84-83, sa third-place game.

Nagdagdag si John Cox ng 12 points kasu­nod ang 11 ni Windi Gra­terol para sa Vene­zuela, ang runner-up no­ong 1992 FIBA Americas championship.

Nakamit ng Venezue­la ang titulo sa kabila ng hindi paglalaro ng ka­nilang best player na si Grei­vis Vazquez, ang point guard ng Milwaukee Bucks.

Kumamada naman si Andres Nocioni ng 21 points, habang may 14 si Luis Scola para sa Argentina.

Show comments