^

PM Sports

Jalalon triple-double sa panalo ng Arellano

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtala si Jio Jalalon ng triple-double upang pangunahan ang Arellano University sa 86-76 panalo kontra sa San Sebastian kahapon upang masolo ang ikatlong puwesto ng 91st NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Jalalon ng 18 points, 10 rebounds at 17 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa season na naghatid sa Chiefs sa kanilang ika-10 sunod na panalo  laban sa apat na talo, isa’t kalahati sa likod ng San Beda Red Lions (10-3).

“Gusto ko lang mag-contribute sa team sa paraang alam ko para manalo kami,” sabi ni Jalalon.

Nalasap naman ng Stags ang kanilang ika-10 talo laban sa tatlong pana-lo para masibak sa Final Four race.

Samantala, dumiretso ang Mapua sa kanilang pang-apat na sunod na panalo nang ungusan ang Lyceum, 70-66 para lumapit sa isang tiket sa Final 4.

Ginawa ito ng Cardinals nang wala ang na-foul out na si import Allwell Oraeme at ang napatalsik na si coach Atoy Co sa huling anim na minuto ng fourth quarter kung saan iniwanan nila ang Pirates sa 65-55.

“Luckily, even without an import, they were able to survive Lyceum. I’m very proud of them,” sabi ni Co na nakahugot ng 10 points kay JP Nieles sa final canto.

Hindi naglaro si Mapua star Josan Nimes dahil sa kanyang hamstring injury.

Tinalo naman ng Jose Rizal ang sibak nang Emilio Aguinaldo College, 87-64 para palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four.

Kumamada si Paolo Pontejos ng 21 points kasunod ang tig-13 nina Tey Teodoro at John Grospe para sa Jose Rizal na binuksan ang laro mula sa 10-0 ratsada at hindi na nilingon pa ang EAC.

Umiskor si import Sidney Onwubere ng 21 points para sa Generals na nalasap ang kanilang pang-11 kabiguan sa 13 laro.

Sa juniors’ division, humakot si Sherwin Concepcion ng 33 points at 12 rebounds para igiya ang Mapua Red Robins sa 85-63 paggupo sa Lyceum Junior Pirates at ilista ang 12-1 baraha.

Inilampaso naman ng EAC Brigadiers ang JRU Light Bombers, 93-69 para sa 7-6 karta.

 

ACIRC

ALLWELL ORAEME

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

ATOY CO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JALALON

JIO JALALON

JOSE RIZAL

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with