Ateneo, NU Spikers nakauna

Laro Bukas (The Arena, San Juan City)

1 p.m. – EAC vs NU

3 p.m. – NCBA vs Ateneo

MANILA, Philippines – Lumabas ang tikas ng Ateneo Eagles habang kinailangan ng NU Bulldogs ang magpakatatag para makauna sa pagsisimula kahapon ng Spikers’ Turf Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Apat na manlalaro sa pangunguna nina Marck Espejo at Rex Intal ang naghatid ng hindi bababa sa 10 puntos para pagni-ngasin ang 25-9, 25-22, 25-19 panalo ng Eagles sa NCBA Wildcats para lumapit sa isang panalo tu-ngo sa pagpasok sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Matapos ang magarang panimula ay nag-relax ang UAAP champion Eagles para maging mahigpitan pa ang mga sumunod na sets.

“Hindi bumigay ang NCBA kaya mahihirapan kami sa second at third sets. Pero hindi rin pumayag ang mga players na magkaroon sila ng momentum,” wika ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Sina Espejo at Intal ay mayroong tig-13 puntos para sa Eagles na kinapitan ang galing sa pag-atake, 45-25 at blocks, 9-4 para sa panalo.

Napalaban naman ang Bulldogs sa Emilio Aguinaldo College Generals dahil kinailangan nila ang limang sets bago nakuha ang 1-0 kalamangan sa best-of-three series sa 25-23, 26-28, 25-18, 28-26, 15-11 panalo.

Apat na mahahala-gang puntos sa 12 na ginawa sa laro ang ibinigay ni Kim Malabunga matapos ang 4-4 tabla sa deciding fifth set upang makaalpas ang Bulldogs sa hamon ng NCAA champion na Generals.

Sina Fauzi Ismail, Madzlan Gampong, Francis Saura at Bryan Bagunas ay mayroong 23, 15, 13 at 12 puntos habang ang setter na si Vincent Mangulabnan ay mayroong 40 excellent sets para mangailangan na lamang manalo bukas upang umabante sa Finals.

“Sinabi ko lang sa kanila na lahat ng ginagawa namin sa practice ang gawin nila sa court, no more no less. Mataas naman ang skills pero kulang pa sa experience dahil maraming bago,” pahayag ni NU coach Dante Alinsunurin.

May 35 puntos si Howard Mojica pero napagod siya sa huling set para mangailangan ang Generals na manalo sa susunod na dalawang laro para maagaw ang puwesto sa championship. (AT)

Show comments