Blatche kabisado ang play ng Gilas

TAIPEI – Kumbinsido si Gilas Pilipinas guard Jay­son Castro na kaagad makakahabol sa kanila si natura­lized player Andray Blatche kahit na hindi ito nakala­ro sa 2015 Jones Cup dito.

“He’s got a high basketball IQ,” wika ni Castro kay Blatche na bumalik sa United States dahil sa libing ng kan­yang tiyuhin at pagkakasakit ng kanyang ina.

Idinagdag pa ni Castro na kabisado na lahat ni Blatche ang play ng Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin.

Ang tanging inaalala na lamang ni Castro ay ang pla­ying weight ni Blatche.

Nanggaling sa paglalaro si Blatche sa Chinese league bago siya nagbalik para tulungan ang Gilas Pili­pi­nas sa ikalawang pagkakataon matapos noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

“He’s to catch up and I’m sure he’ll do the best he can, catch up the best he can. Whether that will be sa­tisfactory or not, we’ll see,” wika ni Baldwin.

Ilang oras bago magsimula ang 2015 Jones Cup ay umu­wi si Blatche sa US.

Makakasama ni Blatche ang kanyang mga Gilas teammates sa kanilang pagbabalik sa Manila bukas.

Show comments