Blatche kabisado ang play ng Gilas
TAIPEI – Kumbinsido si Gilas Pilipinas guard Jayson Castro na kaagad makakahabol sa kanila si naturalized player Andray Blatche kahit na hindi ito nakalaro sa 2015 Jones Cup dito.
“He’s got a high basketball IQ,” wika ni Castro kay Blatche na bumalik sa United States dahil sa libing ng kanyang tiyuhin at pagkakasakit ng kanyang ina.
Idinagdag pa ni Castro na kabisado na lahat ni Blatche ang play ng Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin.
Ang tanging inaalala na lamang ni Castro ay ang playing weight ni Blatche.
Nanggaling sa paglalaro si Blatche sa Chinese league bago siya nagbalik para tulungan ang Gilas Pilipinas sa ikalawang pagkakataon matapos noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.
“He’s to catch up and I’m sure he’ll do the best he can, catch up the best he can. Whether that will be satisfactory or not, we’ll see,” wika ni Baldwin.
Ilang oras bago magsimula ang 2015 Jones Cup ay umuwi si Blatche sa US.
Makakasama ni Blatche ang kanyang mga Gilas teammates sa kanilang pagbabalik sa Manila bukas.
- Latest