MANILA, Philippines - Kumamada ang 5-foot-5 na si Cruz ng 17 sunod na puntos sa pinakawalang 20-3 atake ng Letran Knights sa fourth quarter para pabagsakin ang Lyceum Pirates, 74-57, sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Cruz na may team-high na 26 points, tampok dito ang walong triples at nagtala ng 5 rebounds, 5 assists at 1 steal para sa Knights na muling nakasosyo ang five-peat champions na San Beda Red Lions sa liderato sa magkatulad nilang 10-2 kartada.
Nagdagdag si PBA-bound Kevin Racal ng 19 points kasunod ang 10 ni Jomari Sollano para sa Letran.
“We don’t take for granted any team and we always make sure that we give our all every game,” sabi ni rookie coach Aldin Ayo sa kanyang Knights na kinuha ang 60-53 bentahe sa huling 2:45 minuto ng fourth quarter matapos ihulog ang 20-3 bomba sa likod ng 17 sunod na puntos ni Cruz.
Pinamunuan naman ni Cameroonian import Jean Nguidjol ang Pirates sa kanyang 20 points kasunod ang 14 ni Wilson Baltazar.
Pinatumba naman ng St. Benilde Blazers ang Emilio Aguinaldo College Generals, 81-57 para sa kanilang 3-8 baraha kapantay ang Lyceum.
Sa huling laro, pinatumba ng 2014 runner up na Arellano Chiefs ang Perpetual Altas sa overtime, 84-77 para magtabla sa 8-4.
Humugot si Jio Jalalon ng 11 sa kanyang game-high na 32 points sa extra period at nagposte ng 15 assists at 10 rebounds para sa kanyang ikalawang triple-double sa season sa pagbandera sa Chiefs.
Kumayod din si Earl Scottie Thompson ng triple-double sa kanyang 24 points, 12 boards at 11 sa panig ng Altas.
Sa juniors’ division, giniba ng Junior Pirates ang Squires, 91-83 para sa kanilang 9-3 marka, habang tinalo ng Brigadiers ang La Salle-Greenhills Junior Blazers, 75-68, para sa magkapareho nilang 6-6 marka.
LETRAN 74 - Cruz 26, Racal 19, Sollano 10, Nambatac 9, Luib 5, Ba-lagasay 4, Balanza 1, Apreku 0, Calvo 0, Quinto 0.
Lyceum 57 - Nguidjol 20, Baltazar 14, Lugo 6, Lacastesantos 4, Alanes 4, Ayaay 4, Bulawan 3, Taladua 2, Soliman 0, Marata 0, Mbida 0.
Quarterscores: 17-11; 28-25; 47-42; 74-57.
St. Benilde 81- J. Domingo 16, Ongteco 12, Grey 12, Fajarito 8, Castor 7, Deles 6, S. Domingo 5, Young 4, Saavedra 3, Flores 3, Jonson 2, San Juan 2, Sta. Maria 1, Nayve 0.
EAC 57- Munsayac 15, Mejos 11, Diego 8, Pascua 6, Onwubere 6, Hamadou 6, Corilla 3, Bonleon 2, Pascual 0, General 0, Estacio 0.
Quarterscores: 20-9; 37-18; 60-31; 81-57.
ARELLANO 84 - Jalalon 32, Nicholls 14, Holts 8, Enriquez 8, Meca 7, Bangga 6, Salado 4, Cadavis 3, Gumaru 1, Ortega 1, Capara 0, Tano 0.
Perpetual Help 77 - Thompson 24, Eze 19, Coronel 16, Gallardo 6, Dagangon 4, Ylagan 3, Oli-veria 2, Cabiltes 2, Dizon 1, Tamayo 0, Bantayan 0, Sadiwa 0, Elopre 0.
Quarterscores: 21-16; 39-40; 57-53; 68-68 (Reg); 84-77 (OT).