MANILA, Philippines - Sa likod ng kinamadang 32 points ni Afril Bernardino ay tinalo ng Perlas Pilipinas ang India, 82-76 sa playoff ng 2015 FIBA Asia Women’s Championship kahapon sa Wuhan, China.
Tinapos ng mga Pinay cagebelles ang torneo na may 5-1 record, tampok dito ang five-game winning streak matapos matalo sa Malaysia sa kanilang unang laro.
Dahil dito ay umakyat ang Perlas Pilipinas sa Division 1 ng 2017 edition ng FIBA-Asia meet kasama ang China, Korea, Chinese Taipei at Japan.
Tinalo ng Korea ang Thailand, 66-50 para makapasok din sa Division 1.
Ang 2017 FIBA-Asia ang nagsisilbing qualifier para sa 2018 FIBA World Women’s Championship.
Nagtumpok si Bernardino ng 14-of-18 fieldgoal shooting para pa-ngunahan ang mga Pinay, habang nagdagdag ng 20 markers si Allana Lim kasunod ang 13 ni Meren-ciana Arayi at 12 ni Shelley Gupilan.
Bunga ng kabiguan ay nahulog ang India sa Level II para sa susunod na edisyon.