^

PM Sports

Marcial, Ladon sa finals na

Pang-masa

BANGKOK – Ginamit ni Eumir Felix Marcial ang kanyang malakas na kaliwa upang igupo si Japanese Suzuki Yasuhiro, 2-1 para makarating sa finals ng welterweight division sa kasalukuyang ASBC Asian Boxing Championships sa Thammasat University Gymnasium dito.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng 19-anyos na si Marcial sa event na nilahukan ng tinatayang 200 mahuhusay na boxers mula sa 33 Asian nations.

Haharapin sa Sabado ni Marcial, tubong Zamboanga na sumanib sa Philippine team apat na taon pa lamang ang nakakaraan, ang pambato ng Kazakhstan na si top seed Daniyar Yeleussinov.

Manalo, matalo, sigurado na si Marcial ng slot sa AIBA World Championships na gagawin sa Oct. 5-15 sa Doha, Qatar na isang qualifying event para sa 2016 Rio Olympics.

Sigurado na rin sa AIBA World Championships si light-flyweight Rogen Ladon na nanalo rin kay  kay Mongolian Gab-Erdene Gankhuyag, 3-0 para makapasok din sa finals.

“Masakit na talaga kahit jab lang ang tumatama. Pero tiniis ko na lang at pinilit kong sumuntok nang sumuntok,” pahayag ni Marcial,  gold medalist sa 2011 World Junior Championships.

vuukle comment

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

DANIYAR YELEUSSINOV

EUMIR FELIX MARCIAL

JAPANESE SUZUKI YASUHIRO

MARCIAL

MONGOLIAN GAB-ERDENE GANKHUYAG

RIO OLYMPICS

ROGEN LADON

THAMMASAT UNIVERSITY GYMNASIUM

WORLD CHAMPIONSHIPS

WORLD JUNIOR CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with