^

PM Sports

Gilas ‘di kinaya ang lakas ng Iran

Pang-masa

TAIPEI – Matapos pagpahingahin ng isang laro, nakaipon ng lakas si 7-foot-2 star center Hamed Haddadi upang pahirapan ang Gilas na lumasap ng 74-65 pagkatalo kontra sa Iran sa pagpapatuloy ng 2015 Jones Cup kahapon dito sa Xinchuang Gymnasium.

Tumapos si Haddadi ng 22-points at 15 rebounds matapos magpahinga sa laban ng Iran kontra sa USA Select-Overtake kamakalawa na sanhi ng kanilang pagkatalo.

Sumulong ang mga Iranians sa pang-limang panalo matapos ang anim na laro. Ang labang ito ay rematch ng Iran at Gilas na siyang nagharap noong 2013 FIBA Asia championship game.

Nalasap naman ng Gilas Pilipinas ang kanilang ikalawang ka-biguan sa limang asignatura.

Kumpiyansa sina Iranian coach Dirk Bauermann at Gilas mentor Tab Baldwin na gaganda pa ang kanilang mga laro bago ang 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, China.

Tinukoy ni Bauermann ang hindi pa rin paglalaro ni naturalized player Andray Blatche para sa Gilas, habang binanggit ni Baldwin si Samad Bahrami bilang isa pang kamador ng Iran.

Si Bahrami ay may minor injury at nagpapagaling sa Tehran, Iran.

Hindi nakayanan ng Gilas sina Haddadi, forwards Hamed Afagh at Mohammad Jamshidi at guards Farrid Aslani at Mahdi Kamrani.

“The most important thing is to keep improving and keep getting better,” sabi ni Bauermann.

Matapos makadikit sa 61-65 sa 3:41 minuto ng fourth quarter ay hindi na nakaiskor ang Nationals sa loob ng tatlong minuto.

Nagsalpak si Jamshidi ng tres at umiskor si Haddadi para selyuhan ang panalo ng Iranians.

Nagkaroon si Terrence Romeo ng left ankle sprain sa third quarter ngunit ibinalik ni Baldwin sa huling 2:43 minuto sa final canto.

Nagtala ang 42-anyos na si Asi Taulava ng 12 points at 8 rebounds, habang nagdagdag ng tig-10 markers sina JC Intal at Jayson Castro.

Iran 74 - Haddadi 22, Afagh 13, Farid 9, Jamshidi 9, Kamrani 7, Mohammad 5, Davarpan 4, Davari 2, Kardoust 2.

Gilas 65 - Taulava 12, Intal 10, Castro 10, Romeo 8, Tautuaa 7, Abueva 6, Pingris 4, Hontiveros 3, Norwood 2, Ganuelas Rosser 2, Thoss 1, De Ocampo 0.

Quarterscores: 17-14; 34-31; 54-47; 74-65.

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIPS

BALDWIN

BAUERMANN

DE OCAMPO

DIRK BAUERMANN

FARRID ASLANI

GANUELAS ROSSER

HADDADI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with