^

PM Sports

Walang trades habang nagaganap ang PBA Draft

Joaquin M. Henson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Habang nangyayari ang 2015 PBA Rokkie Draft ay walang magaganap na mga trades.

Ito ang nilinaw ng ba­gong PBA Commissioner na si Chito Narvasa sa 2015 Rookie Draft nga­yong hapon sa Midtown Atrium ng Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Ayon kay Narvasa, ayaw niyang magkamali sa kanyang unang trabaho bi­lang PBA Commissio­ner.

“I’m new on the job and I don’t want to make mistakes in deciding whe­ther or not to push through with a trade on the floor,” sa­bi ni Narvasa.

Nakipag-usap na rin si Narvasa sa mga PBA coa­ches tungkol sa mga trades.

“I’ve talked this over with the coaches and we all agreed to dispense with trades on the floor only for this year. It would be counterproductive if we approve a trade on the floor only to void it later in case there are issues that warrant a rescindment. I’ve asked for more time to be familiar with the players,” ani Narvasa.

Nang umupo bilang PBA Commissioner no­ong Agosto 1 ay dalawang trades ang inaprubahan ni Narvasa.

Ito ay ang three-team trade deal sa pagitan ng Talk ‘N Text, Blackwater at Meralco.

Ibinigay ng Talk ‘N Text si veteran guard Jimmy Alapag sa Meralco na inilipat naman sina Mike Cortez at James Sena sa Blackwater, habang nag­tu­ngo si Larry Rodriguez sa Tropang Texters mula sa Elite.

Ang ikalawa ay ang pagdadala ng Rain or Shine kay forward Jervy Cruz sa Globalport kapa­lit ni 6’6 Jewel Ponferada kasama ang second round pick ng Batang Pier.

Sinabi ni Narvasa na maaaring umabot sa sixth round ang PBA Draft.

ACIRC

ANG

BATANG PIER

CHITO NARVASA

ITO

JAMES SENA

JERVY CRUZ

JEWEL PONFERADA

N TEXT

NARVASA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with