^

PM Sports

Ateneo inangkin ang unang semis seat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinikwat ng Ateneo Lady Eagles ang unang semifinals ticket, habang nakatiyak ng playoff ang UST Tigres­ses nang magsipagwagi sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Con­ferenc kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Bangis sa pag-atake ang ipinakita ng Lady Eagles para kunin ang 25-14, 25-17, 25-19 straight sets win laban sa Arellano Lady Chiefs para sa 5-0 baraha.

Humataw si Alyssa Valdez ng 20 puntos, kasama rito ang 19 attack points na mas mataas ng dalawa sa 17 kabuuan na ginawa ng Arellano.

Sumuporta naman si Amy Ahomiro sa kanyang walong kills, 3 blocks at 2 aces para sa 13 puntos, habang ang setter na si Gizelle Tan ay may 24 excellent sets upang ipuwesto ang UAAP champions sa Final Four.

Bumagsak ang NCAA champions na Arellano sa 2-3 baraha at walang Lady Chiefs ang nasa double-digits.

Si Danna Henson ang na­nguna sa Arellano sa kan­yang limang puntos.

Sinolo naman ng UST ang ikalawang puwesto sa 4-1 karta sa mahirap na 18-25, 25-17, 25-23, 17-25, 15-9 panalo sa UP Lady Maroons.

May 15 puntos si Ennajie Laure, ang nagbabalik na si Carmela Tunay ay may 13 at si Marivic Meneses ay may 10 puntos at ang tatlo  ang nagtulung-tulong sa fifth set upang mapalambot ang naunang matikas na Lady Maroons.

“Bumaba ang game na­min sa fourth set dahil nag-relax kami. Pero bumawi kami sa fifth set,” wi­ka ni Laure na may 12 kills at 3 blocks.

Inakalang tangan ng La­dy Maroons ang mo­men­tum nang talunin ang Tigres­ses sa fourth set, na­­wala sa konsentrasyon ang UP nang umarangka­da ang UST sa 5-1 karta sa race-to-15 fifth set. (AT)

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

CARMELA TUNAY

COLLEGIATE CON

LADY MAROONS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with