SAN ANTONIO – Pumayag si Tim Duncan na mawalan ng ilang milyon sa kanyang kikitain para mabigyan ang San Antonio ng kinakailangang espasyo sa salary cap upang makuha uli ng Spurs ang kanyang mga teammates at para maidagdag sa kanilang roster ang tulad ni LaMarcus Aldridge.
Pumayag din si Duncan na mabawasan ang kanyang role offensively para magbigay daan sa kanyang mga teammates na sina Tony Parker at Kawhi Leo-nard bagama’t nag-a-average siya ng 19.5 points sa kanyang 18-year career.
Ginawa niyang magsakripisyo financially at statistically sa kanyang hangaring makatikim ng championships at hindi para umani ng individual awards.
Ngunit kinilala ng NBA ang sakripisyo niyang ito. Pinarangalan si Duncan ng kanyang mga kapwa player ng Twyman-Stokes Teammate of the Year award nitong Miyerkukes.
Sa ikatlong taon na paggagawad ng parangal na ito, nagbotohan ang mga players mula sa candidate pool na pinili ng mga dating NBA stars.
“I know how to be the way I am because of people that came before me,” sabi ni Duncan. “The people I was able to be teammates with, be around, watch them operate, watch them work, watch them as teammates (and) watch them accept the role. All those things are big pieces in what I am today and who I am today. So a lot of credit goes to them as well.”
Tumanggap si Duncan ng 72 first-place votes. Pumangalawa si Vince Carter ng Memphis Grizzlies habang si Elton Brand ng Atlanta ang third placer.
Pumayag noon si Spurs center David Ro-binson sa mas maliit na role sa team noong bagong pasok pa lamang si Duncan matapos kunin ng San Antonio ang 6-foot-11 forward na No. 1 pick noong 1997 draft. Ito ang leksiyong naituro ng Hall of Fame center sa team na ginawa din ni Duncan.
Ang scoring at defense ni Duncan ang malaking tulong sa pagkopo ng Spurs ng limang NBA championships. Ngunit ang pagpayag ng 39-gulang na si Duncan na tumanggap ng mas mababang kontrata kumpara sa maaari niyang kitaan ang naging malaking tulong sa San Antonio para mamintina ang kanilang roster na naging dahilan ng kanilang 18-sunod na postseason appearances.
Pumayag si Duncan sa kontratang mas mababa ng $5 milyon sa puwede niyang kitain.