^

PM Sports

Bryant gustong maglaro sa 2016 Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bukas si NBA super­star Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers sa pag­lalaro para sa Team USA sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ito ang sinabi ni USA Basketball chairman Jer­ry Colangelo hinggil sa interes ni Bryant na su­mabak sa 2016 Rio Olympics.

Sa report ng ESPN­LosAngeles.com, sinabi ni Colangelo na nakausap niya si Bryant.

Ayon kay Colangelo, ang paglalaro ni Bryant sa 2016 Olympics ang kanyang magiging ‘fi­nal hurrah’ bago siya tu­luyang magretiro sa bas­ketball.

Wala pang opisyal na pahayag si Bryant tung­kol sa pagnanais ni­yang maglaro sa 2016 Olympics at tungkol sa po­sibleng huling kam­pan­ya niya sa darating na 2015-2016 NBA season.

“He also mentioned to me in a private conversation that if he had his druthers, he would love to ride off into the sunset playing one more time and winning the gold medal,” wika ni Colangelo sa napag-usa­pan nila ni Bryant.

“And that would be the end,” dagdag pa ni­to.

Sa ipinatawag ni Co­langelo na minicamp ay hindi nakasama si Bryant.

Sa kabila nito, kuminang pa rin ang minicamp dahil sa paglalaro nina LeBron James, Ke­vin Durant, Carmelo An­thony, James Harden at Russell Westbrook.

“But he was very quick to say, ‘But, I don’t want a spot. I need to earn the spot. I need to be capable of playing at that level to be consi­dered.’ And I said, ‘You got that. That’s always there for you, Kobe,’” ani Colangelo sa Lakers star.

Naging miyembro si Bryant, maglalaro sa kanyang ika-20 season pa­ra sa Lakers, ng Team USA na nagwagi ng gintong medalya sa Olympic Games noong 2008 at 2012.

ACIRC

BRYANT

CARMELO AN

COLANGELO

JAMES HARDEN

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

OLYMPIC GAMES

RIO OLYMPICS

RUSSELL WESTBROOK

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with