^

PM Sports

EZE nagbida para sa panalo ng Altas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lamang sina 6-foot-8 Nigerian import Bright Akhuetie at 2014 Most Valuable Player Earl Scottie Thompson ang maasahan ng Perpetual Help.

Humakot si 6’11 Ni­ge­rian Prince Eze ng 17 points, 8 rebounds at 2 blocks, habang nagdag­dag ng 16 markers si Antonio Coronel para tulu­ngan ang Altas sa 68-55 pag­giba sa Generals ng Emilio Aguinaldo College sa 91st NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kinuha ng Perpetual ang kanilang ikaanim na panalo para patuloy na solohin ang ikatlong puwesto sa ilalim ng five-peat champions na No. 2 San Beda (6-1) at nangu­ngunang Letran (7-1).

Nalimitahan si Akhuetie sa isang puntos mula sa 0-of-8 fieldgoal shoo­ting, samantalang nagkaroon naman si  Thompson sprained ankle injury.

Napigilan naman ang tangka ng Generals na ma­isubi ang pangatlong su­nod na panalo.

Samantala, kumamada si Tey Teodoro ng 18 points sa kabuuan ng fourth quarter para pagbi­dahan ang come-from-be­hind 90-87 win ng Jose Ri­zal Heavy Bombers laban sa Mapua Cardinals.

Bumangon ang Heavy Bombers mula sa 18-point deficit sa huling apat na mi­nuto ng laro para resba­kan ang Cardinals.

Tumapos si Teodoro na may career-best na 32 points na tinampukan ng kanyang game-winning lay-up sa huling 3.3 se­gun­do.

Mula sa 66-84 pagka­kabaon sa Mapua sa hu­ling apat na minuto ng final canto ay nag-init ang mga kamay ni Teodoro pa­ra ipanalo ang Jose Ri­zal.

Sa juniors' division, ti­nalo ng Mapua Red Ro­bins ang Jose Rizal Light Bombers, 87-39, para sa ka­nilang 7-1 baraha at iginupo ng EAC Brigadiers ang Perpetual Junior Altas, 88-62, para sa 4-4 marka.

 

JOSE RIZAL 90 - Teo­doro 32, Dela Paz 20, Pontejos 16, Cruz 8, Dela Virgen 5, Abdul Wahab 4, Poutouochi 3, Sanchez 2, Lasquety 0, Aurin 0, Balagtas 0, Grospe 0, David 0.

MAPUA 87 - Oraeme 25, Que 19, Biteng 14, Menina 8, Stevens 6, Aguirre 5, Brana 4, Raflores 4, Serrano 2, Villaseñor 0, Nieles 0.

Quarterscores: 20-21; 38-34; 53-64; 90-87.

PERPETUAL 68 - Eze 17, Coronel 16, Oliveria 8, Dagangon 8, Dizon 5, Thompson 4, Tamayo 2, Ban­tayan 2, Gallardo 2, Cabiltes 2, Akhuetie 1, Sadiwa 1, Ylagan 0, Elopre 0, Pido 0.

EAC 55 - Munsayac 18, Laminou 12, Onwubere 8, Pascua 6, Mejos 3, Morada 3, Corilla 3, General 2, Bonleon 0, Pascual 0, Diego 0, Mallari 0.

Quarterscores: 12-12; 30-23; 48-38; 68-55.

ABDUL WAHAB

ACIRC

AKHUETIE

ANG

ANTONIO CORONEL

BRIGHT AKHUETIE

DELA PAZ

HEAVY BOMBERS

JOSE RI

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with