^

PM Sports

Hagler hindi pa napapabilib ni Mayweather

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung mapapantayan ni Floyd Mayweather, Jr. ang record ni boxing legend Rocky Marciano sa heavyweight division ay bibilib sa kanya si ‘Marvelous’ Marvin Hagler.

Sa panayam ng BoxingScene.com ay sinabi ng Hall of Famer at dating world middleweight titlist na si Hagler na higit na mas impresibo ang 49-0-0 win-loss-draw ring card ni Marciano kesa sa 48-0-0 baraha ni Mayweather.

Ito ay dahil itinala ni Marciano ang kanyang mga panalo sa heavyweight division noong 1960’s.

“You got to realized that Mayweather is not a heavyweight like Marciano,” wika ni Hagler.

“If it was 50 fights in the heavyweight division I believe it would be a story and make history. I don’t think because Mayweather wins this 50th fight or whatever, it isn’t going to be the same as if he was a heavyweight,” dagdag pa nito.

Nagretiro si Marciano noong Abril ng 1962 at hindi nakatikim ng kabiguan sa kanyang 49 laban.

Pipiliin naman itong pantayan ni Mayweather sa kanyang pagharap kay Andre Berto sa Setyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinasabi ng American world five-division king na si Mayweather na ito na ang magiging pinakahuling laban niya bago tuluyang magretiro.

Marami ang nagsasabing hangad ng 38-anyos na si Mayweather, binigo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand na basagin ang record ni Marciano sa paglaban muli sa susunod na taon.

Malalampasan lamang niya ang marka ni Marciano kung tatalunin niya si Berto, naipatalo ang tatlo sa huli niyang anim na laban. (RC)

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

FLOYD MAYWEATHER

HAGLER

HALL OF FAMER

LAS VEGAS

MARCIANO

MARVIN HAGLER

MAYWEATHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with