DUBAI – Ikadidismaya ni Albert Pagara, ang undefeated Filipino fighter, kung hindi niya mapapabagsak ang kanyang kalabang Mexican ngayong gabi dito.
Dumating ang 21-anyos na si Pagara, tinawag na “Prince,” dito sa bansang tinitirhan ng kalahating milyong Filipino workers at residents noong Biyernes na hanap ang knockout win.
“Hintayin natin. Dadating ‘yan,” wika ni Pagara sa pagsagupa niya kay Mexican Jesus Rios sa main event ng Pinoy Pride 32: The Duel in Dubai 2.
Wala pang talo si Pa-gara sa kanyang 23 fights kung saan ang 16 ay kanyang itinala sa pamamagitan ng knockout.
Dala naman ng 31-an-yos na si Rios ang ring record na 31-7-1 at naging professional noong 2002 kung saan halos 8-anyos pa lamang si Pagara.
Naghahanap din ng knockout win si Rios para idagdag sa kanyang 25 KOs, ngunit sa kanyang huling laban ay natalo siya via knockout.
Noong nakaraang taon ay dalawang beses siyang napabagsak nina Fernando Montiel (first round) noong Hulyo at Jesus Rendon (sixth round) noong Disyembre.
Noong Disyembre ng 2013 ay napatulog si Rios ni Filipino Michael Farenas sa second round sa Solaire Resort and Casino.
“Siyempre gusto natin knockout,” sambit ni Pagara.
Bitbit ni Pagara, ang kanyang IBF International junior-featherweight belt sa kanyang balikat nang dumating dito kasama ang kapatid na si Jason at trainer na si Edmond Villamor.
“Hindi niya makukuha ang title ko,” dagdag pa ni Pagara.
Gusto din ng 23-anyos na si Jason na magkam-peon sa junior-welterweight division at nagdadala ng 35-2-0 kasama ang 22 knockouts. Lalabanan ni Jason si Ramiro Alcaraz (15-4-0, 9 KOs).
“Mainit dito. Parang ako lang,” sabi ng Pinoy boxer na tinatawag na “El Niño.”
Kumpiyansa ang ALA Promotions, pinamumunuan nina Tony at Michael Aldeguer, na makakakuha sila ng laban sa magkapatid na Pagara sa United States ngayong taon.