Bubka naniniwala sa kakayahan ni Obiena
MANILA, Philippines - May pagmamalaki na sinabi ng da-ting tinitingalangpole vaulter sa buong mundo na si Sergei Bubka na nakikita niya ang pambato ng bansa na si Ernest John Obiena na maglalaro sa Olympics sa lalong madaling panahon.
Sa panayam sa 52-anyos na 10-time world champion at Olympic gold medal winner noong 1988 sa Seoul kahapon, sinabi niya na hindi siya nagkamali na tulungan si Obiena na makakuha ng scholarship sa IAAF training center sa Formia, Italy dahil tunay na malaki ang itinaas sa kalidad ng Filipino pole vaulter.
“He started at 4.90m and now has recorded 11 personal best since then. He is now at 5.30 and he had an incredible progress. Now he has a fantastic chance for the Olympic next year,” wika ni Bubka.
“He has been training with Vitaly who is one of the best coaches. He (EJ) has great potential and yes, I can see him compete in the Olympics. He has to clear 5.70m and from what I heard from his mother (Jeanette) he is now focusing at 5.60m. He has to continue working hard and I’m very happy with his progress,” pahayag pa nito.
Si Bubka ay dumating noong Lunes ng gabi upang bisitahin ang mga kaibigan sa PATAFA sa pangunguna ng pangulong si Philip Ella Juico at dating pangulo na si Go Teng Kok.
Tatakbo si Bubka sa gaganaping IAAF Election sa Agosto sa Beijing, China at hinihingi niya ang suporta ng PATAFA.
Si Go kasama ang ilang PATAFA board members ang nag-estima kay Bubka at binigyan ng masaganang pananghalian dahil si Juico ay may sakit. (AT)
- Latest