Mojdeh nanguna sa patuloy na pananalasa sa PSL tankers sa Singapore

SINGAPORE— Nagtala si Micaela Jasmine Mojdeh ng dalawang records para magpatuloy ang dominadong  paglangoy ng mga Philippine Swimming League (PSL) tankers sa 2015 Singapore Invitational Swimming Championship sa Singapore Island Country Club (SICC) dito.

Sumali na rin si Mojdeh sa mga record breakers ng koponan nang maorasan ang mag-aaral ng Immaculate Heart of Mary College ng 1:34.89 sa 100m breaststroke at 36.42 segundo sa 50m butterfly.

Ang mga markang ito ay mas mabibilis sa 1:35.47 dating record ni Elizabeth Lee ng Singapore na ginawa noong 2010 at sa 36.62 segundo ni Natasha Em ng Germany noong 2009 edisyon.

“Jasmine Mojdeh was fantastic, every instructions given she followed it exactly, she is indeed matured and veteran international swimmer at the age of 9. They are amazing swimmers. Kyla Soguilon was also terrific breaking 2 records at 11 years old in backstroke, suwabe lang ang training because she also concentrates in her academics. We still have a lot of events coming. I am sure there will still be a lot of surprises. I congratulate everyone in giving points for the Philippines,” sabi ni PSL president Susan Papa.

Ang UST tanker na si Sean Terence Zamora ay naorasan naman ng 2:16.75 sa boys’ 14-15 200m IM para higitan ang 2:21.17 marka ni Joseph Schooling ng Singapore habang nagtala siya ng 55.78 segundo tiyempo sa 100m freestyle para lampasan ang 56.31 segundong marka ni Zhen Ren ng China ngunit sapat lamang ang mga oras na ito para sa silver medals.

Humataw din si Kyla Soguilon  ng tatlong ginto sa girls’ 10-11 100m freestyle (1:07.98), 50m butterfly (32.97) at 100m freestyle (1:07.98) para mag-ambag sa 14 ginto na nilangoy ng delegasyon  sa ikatlong araw ng kompetisyon.

Ang iba pang nagwagi ay sina Wissenheimer Aca-demy tanker Marc Bryan Dula (boys’ 8-9 50m butterfly, 38.86), Aalia Jaire Espejo (girls’ 12-13 100m breaststroke, 1:31.16), Stephen Guzman (boys’ 10-11 50m butterfly, 33.82), Martin Jacob Pupos (boys’ 16-17 50m butterfly, 28.67), Luis Joaquin Ventura (boys’ 10-11 100m breaststroke, 1:32.04), Gianna Data (girls’ 16-17 100m breaststoke, 1:31.17), at ang girls’ 16-17 200m medley relay nina Gianna Data, Isis Arnaldo, Aubrey Ybane at Sophia Castillo para umabot na sa 36 ang gold na nahahakot ng delegasyon para mahigitan na ang target na 30.                             

Show comments