Kobe Paras sikat na sa US

MANILA, Philippines - Hindi na mapigilan ang pagsikat ni Kobe Paras sa United States.

Isang linggo matapos purihin ni Denver Nuggets coach Brian Shaw, nagpakita ng magandang laro si Paras sa katatapos na 2015 adidas Global Nations camp sa Long Beach, California.

Bagama’t natalo ang kanyang Team Nations sa lahat ng tatlong laro nito, nagposte naman si Paras ng mga averages na 14 points (second best), 3.3 rebounds at 1.3 assists sa 27.3 minutes per game.

Ang pinakaimpresibong laro na ipinakita ni Paras ay sa kanilang 68-117 kabiguan sa Team Latin America kung saan kumamada siya ng team-best na 21 points bukod pa sa 6 boards at 2 steals sa loob ng 31 minuto.

Nagtala naman si Sacha Killeya-Jones ng ave-rage na 14.7 points.

Si Killeya-Jones ay No. 51 sa mga best high school players sa US pero wala sa listahan si Paras.

Kaya naman pinag-uusapan ngayon sa US si Paras.

“Right now, there’s a lot of buzz on a young player who’s gonna be attending the UCLA next year. He’s Kobe Paras,” sabi ni Shaw, nanalo ng NBA championships sa Lakers isang dekada na ang nakakaraan, sa mga Filipino mediamen sa kanyang NBA Fit clinic sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo. “I’ve watched some vi-deos of his AAU (American Athletic Union) games and I’ve heard a lot about him. I know he has a good size. He’s 6-5 and has done well in some of the camps, the games and the tournament he’s played in. I know he still has one year left in high school so I’m looking forward to see him play in UCLA and see how he does there.”

 

Show comments