Ginebra babalasahin ni Cone?

MANILA, Philippines – Matapos mahirang bilang bagong head coach ng Barangay Ginebra, nagparamdam si Tim Cone na magkakaroon ng balasahan sa mga susunod na araw.

Maaaring makipagpalit ng players si Cone sa iniwanan niyang Star, gagabayan naman ng kanyang da-ting assistant na si Jason Webb.

Ngunit kaagad nilinaw ni San Miguel Purefoods Inc. president at team governor Butch Alejo na pa-nanatilihin nila ang best five ng Hotshots na sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Peter June Simon, Mark Barroca, Joe Devance at Ian Sangalang.

“I feel that all of the players are staying in the team. A lot have expi-ring contracts but we’re working on them,” sabi ni Alejo sa mga players ng Star.

Karamihan sa mga Hotshots ay may expiring contracts.

Napaulat na kabilang sina Sanggalang at big guard Alex Mallari sa mga gustong bitbitin ng two-time Grand Slam champion coach na si Cone sa Gin Kings.

Samantala, sinabi naman ng 41-an-yos na si Webb na hindi niya lubusang gagamitin ang bantog na ‘triangle offense’ sa pagmamando niya sa Hotshots.

“When I come in, whatever I’m gonna do is gonna be true to me. We will take some of them into our offense. Because you have to be able to adapt,” sabi ni Webb, isang big guard na naglaro para sa La Salle Green Archers sa UAAP at isang six-year PBA player na kumampanya para sa Sta. Lucia at Tanduay.

Dahil sa ‘triangle offense’ ay nakapagbigay ang 57-anyos na si Cone ng 13 PBA championship para sa Alaska at lima naman sa Purefoods/San Mig Coffee na tinampukan ng Grand Slam ng Mixers noong 2014. (RC)

Show comments