SACRAMENTO, Calif. -- Pinalagda ng kontrata ng Sacramento Kings si veteran forward Caron Butler.
Ang kontrata ng 35-anyos na si Caron ay da-lawang taon at nagkakahalaga ng $3 milyon na may player option sa second season.
Nagtala si Butler ng mga averages na 5.9 points, 2.5 rebounds at 20.8 minutes para sa Detroit Pistons sa nakaraang season.
Si Butler ay may mga averages na 14.3 points at 5.1 rebounds sa kanyang 13-year career para sa Miami Heat, Los Angeles Lakers, Washington Wi-zards, Dallas Mavericks, Los Angeles Clippers, Milwaukee Bucks, Oklahoma City Thunder at Pistons.
Kinuha ng Heat si Butler bilang 10th overall noong 2002.
Samantala, sa Dallas, kinuha ng Mavericks si free-agent rookie forward Maurice Ndour.
Humakot ang 6-foot-9 na si Ndour, tubong Senegal, ng mga averages na 9.6 points at 4.8 rebounds sa limang laro niya sa Summer League team ng New York Knicks.
Naglista si Ndour ng mga averages na 16 points, 8.3 rebounds at 2.3 blocks per game bilang senior player sa nakaraang season sa Ohio University.
Napanood siya sa dalawang seasons para sa Charlotte Bobcats mula sa Monroe College, isang junior college sa New York.
Naglaro siya ng high school basketball sa Japan.