Payne planong sumali sa draft

MEMPHIS -- Plano ni Murray State sophomore guard Cameron Payne na sumali sa darating na 2015 NBA draft.

Naghahanap na si Payne ng kanyang magi­ging agent at popormalisahin ang kanyang desisyon ma­tapos ang Final Four.

Sinabi ng ilang team executives na maaaring ma­ging draft prospect si Payne.

Ngunit marami ang naniniwala na si Payne ay magiging isang solid mid-first-round pick sa June draft.

Ang 20-anyos na si Payne ay nakausap na ng ilang NBA agents ngayong linggo.

Show comments