Daye kukunin ng Atlanta

ATLANTA -- Inaa­sahang papipirmahin ng Hawks si forward Austin Daye para sa season, wika ng source sa Yahoo Sports.

Ang 6-foot-11 at 220-pound forward na si Daye ay nauna nang lu­magda ng dalawang 10-day contracts sa At­lan­ta.

Siya ay nagtala ng mga averages na 3.0 points at 1.4 rebounds nga­yong season para sa Hawks, ang Southeast Division champion.

Ang six-year NBA ve­teran ay nakita din sa 26 games para sa San Antonio Spurs ngayong season bago pakawalan.

Si Daye ang 15th pick overall noong 2009 NBA draft ng Detroit Pis­tons.

 

Show comments