Shopinas hangad makisosyo sa liderato

MANILA, Philippines – Magbabakasali nga­yon ang Shopinas Lady Clickers na sumalo sa liderato, habang ang unang panalo ang pag-aagawan ng Mane ‘N Tail Lady Stallions at Cignal HD Lady Spi­kers sa pagpapatuloy ng 2015 Philippine SuperLiga All-Filipino Con­fe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Lady Clickers ngayong alas-2:30 ng hapon ang Phi­lips Gold Lady Slammers na susubok na ma­katikim ng panalo.

Magandang pani­mula ang nailista ng Sho­pinas matapos talu­nin ang Lady Stallions, 25-22, 25-22, 16-25, 25-14.

Nakuha ng koponang hawak ni coach Ramil de Jesus ang panalo ka­hit tatlong araw pa lamang silang nagsasanay bilang isang koponan.

Ang Lady Clic­kers ay binubuo ng mga manlalaro ng La Salle, AirAsia at Generika.

Pero wala na sina Mi­chelle Gu­mabao at Me­lissa Go­hing na nasa Lady Slam­mers nga­yon.

Bitbit din ng Philips Gold ang Fil-Am setter na si Iris Tolenada pero naunsiyami ang hanap na magandang pani­mula nang pabagsakin ng Petron Lady Blazer Spi­kers, 16-25, 18-25, 23-25.

Mainit din ang salpukan ng Lady Stallions at HD Lady Spikers sa ikalawang laro dahil parehong hindi nila na­na­isin na malaglag sa 0-2 karta.

Show comments