^

PM Sports

Painters, Texters pasok sa semifinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Madaling umabante sa best-of-five semifinals series ang Tro­pang Texters, habang du­maan naman sa butas ng karayom ang Elasto Pain­ters.

Ang agaw ni Jeff Chan kay import Michael Dunigan ng No. 8 Barangay Ginebra sa natitirang 4.9 segundo sa laro ang nag­ta­kas sa 92-91 panalo ng No. 1 Rain or Shine sa kanilang quarterfinals match-up sa 2015 PBA Commissioner’s Cup ka­gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nauna nang kinuha ng Gin Kings ang 72-63 abante sa kaagahan ng fourth quarter mula kay Japeth Aguilar bago naagaw ng Elasto Pain­ters, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quar­terfinals, ang unahan sa 90-87 sa 1:33 minuto nito.

Dalawang basket ni­na Mark Caguioa at se­ven-foot center Greg Slaughter ang nagbigay sa Ginebra ng 91-90 benta­he kasunod ang agaw ni Chan kay Dunigan para sa 92-91 kalamangan ng Rain or Shine sa nala­la­bing 4.9 segundo.

Ang mananalo sa best-of-three quarterfinals series ng No. 4 NLEX Road Warriors at No. 5 Meralco Bolts ang lalabanan ng Elasto Painters sa semis.

Dinomina naman ng No. 2 Talk ‘N Text, may hawak na ‘twice-to-beat’ incentive, ang No. 7 Barako Bull, 127-97.

Umiskor si import Ivan Johnson ng 35 points pa­ra sa ikaapat na su­­nod na semifinals stint ng Talk ‘N Text.

Makakatapat ng Tropang Texters sa semis se­ries ang ma­nanaig sa duwelo ng No. 3 Purefoods at No. 6 Alas­ka.

Tangan ang 1-0 bentahe sa serye, sasagupain ng Hotshots ang Aces nga­yong alas-3 ng hapon, habang lalabanan ng Bolts ang Road Warriors sa alas-5:15 sa Smart Araneta Co­liseum.

Pinatumba ng Purefoods ang Alaska, 120-86, at tinalo ng Meralco ang NLEX, 97-82, sa Game One noong Biyernes.

TALK ‘N TEXT 127 – Johnson 35, Castro 18, De Ocampo 16, Rosser 12, Fo­nacier 10, Alas 8, Seigle 8, Washington 5, Williams 4, Espiritu 3, Carey 2, Labagala 2, Reyes 2, Aban 2, Miller 0.

Barako Bull 97 – Alabi 23, Intal 22, Lanete 13, Pascual 12, Garcia 6, Lastimosa 6, Marcelo 6, Mercado 4, Hubalde 3, Salvador 2, Salva 0, Paredes 0.

Quarterscores: 45-23; 75-44; 101-73; 127-97.

RAIN OR SHINE 92 – Chism 17, Chan 17, Almazan 17, Lee 9, Norwood 9, Uyloan 5, Araña 4, Quiñahan 4, Cruz 4, Teng 2, Tiu 2, Belga 2, Teng 0.

Ginebra 91 – Slaughter 26, Aguilar 14, Caguioa 14, Dunigan 11, Urbiztondo 7, Tenorio 7, Helterbrand 5, Yeo 4, Baracael 3, Ellis 0.

Quarterscores: 21-18; 44-42; 63-68; 92-91.

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DE OCAMPO

ELASTO PAIN

N TEXT

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with