Bucks pinalakas ang tsansa sa playoffs

MILWAUKEE--Na­hi­­­rapan sa kaaga­han ng season dahil sa mga in­juries at pag-a-adjust sa ka­ni­lang ba­gong coa­ching staff, hindi pa naipapakita ni Ersan Ilyasova ang kan­yang tunay na laro para sa Bucks.

Ngunit unti-unti ay na­­­ra­­­ramdaman na ng Bucks ang kahalagahan ni Ilyasova.

Kumamada si Ilya­so­va ng career-high 34 points para panguna­han ang Bucks sa 111-107 panalo laban sa Indiana Pa­cers.

“Sometimes, you ha­ve days like this,’’ wika ni Ilyasova.

Naimintis naman ni George Hill ang isang potensyal na 3-pointer sa huling mga segundo na siya sanang nagtabla sa Indiana papunta sa overtime.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 17 points kasunod ang 16 ni Gian­nis Antetokounmpo para sa Bucks, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos basagin ang six-game lo­sing slump.

Nagtala si Ilyasova ng 12 of 14 fieldgoal shooting at naglista ng 5 of 6 sa 3-point range.

Umiskor naman si C.J. Miles ng 26 points, habang nagdagdag si Hill ng 24 at may 23 si C.J. Watson sa panig ng Pa­cers.

Naglaro ang Indiana na wala si forward David West na may allergic reac­tion.

Sa Houston, nagkaro­on si Rockets star­ting guard Patrick Beverley ng torn ligament sa kanyang left wrist at manga­ngailangan ng pito hanggang 10 araw para madetermina kung kailangan niya ng season-ending surgery.

Si Beverley, nalasap ang nasabing injury sa panalo ng Houston laban sa Indiana Pacers, ang malaking bahagi ng hangarin ng Rockets na makamit ang Western Con­ference championship.

Siya ay magiging isang unrestricted free agent matapos ang season.

Show comments