MANILA, Philippines - Mahigit 3,000 runners ang nakibahagi sa advocacy run na bahagi ng preparasyon para sa 2015 Pala-rong Pambansa sa Davao del Norte ngayong summer.
Sa pag-o-organisa ng Tagum City Division of the Department of Education (DepEd), nakatulong ang mga partisipante na makalikom ng karagdagang pondo para sa competition-day maintenance ng billeting venues lalo na sa water requirement ng mga student athletes at officials sa May 3- 9 Palaro.
“The schools [officials] are busy preparing the billeting sites so we can have a very good hosting and give delegates the best accommodation that we can offer,” sabi ni Tagum City DepEd Division Head Cristy Epe.
Pinangunahan ni Tagum City Mayor Allan Rellon ang fun run kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at local government officials bukod pa sa mga police at military officers at personnel.
May 30 billeting facilities ang inayos at inihanda para sa Palaro na titipon ng tinatayang 10,000 athletes at officials na maglalaban-laban sa 17 sports sa annual grassroot sports development program na pinanga-ngasiwaan ng DepEd.