MANILA, Philippines – Panauhing pandangal at speaker si Sen. Aquilino Martin “Koko” Pimentel III sa 15th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Awards and Banquet of Champions sa March 25 sa Manila Hotel.
Si Pimentel, top notcher sa 1990 bar exams, ang magbibigay ng Boxers of the Year kina Donnie Nie-tes, Nonito Donaire, Randy Petalcorin at Rey Loreto sa Awards na inorganisa ng pamilya Elorde sa pangunguna ng asawa ng alamat na bosingero na si Laura.
Iluluklok sina Nietes, WBO light flyweight champion at Donaire, WBO superbantamweight sa Elorde Hall of Fame, matapos manalo ng Boxer of the Year award ng magkasunod na taon.
Si Petalcorin, tubong GenSan na ngayon ay naka-base na sa Melbourne, ang WBA light flyweight champion noong 2014 habang nakopo ni Loreto ang IBO light flyweight title.
Pangungunahan ng apat ang 36 international at 13 national champions sa gabi ng parangal na kasabay ng 30th death anniversary at 80th anniversary ni Flash Elorde na naghari bilang world junior lightweight king ng pitong sunod na taon noong 1960-67.
Paparangalan din sina Michael Aldeguer (best promoter), Danrex Tapdasan (best referee), Silvestre Abainza (best judge) at Edmund Villamor (best trainer).